Add parallel Print Page Options

19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng paghahari ng langit. Anuman ang iyong tatalian sa lupa ay tatalian sa langit. Anuman ang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit. 20 Pagkatapos, ipinagbilin niya sa kaniyang mga alagad na huwag nilang sabihin kaninuman na siya ay si Jesus, ang Mesiyas.

Ipinagpaunang Banggitin ni Jesus ang Kaniyang Kamatayan

21 Magmula noon, ipinaalam ni Jesus ang mga bagay na ito sa kaniyang mga alagad. Sinabi niya: Kailangan kong pumunta sa Jerusalem. Doon ay magbabata ako ng maraming pahirap sa kamay ng mga matanda, mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan. Papatayin nila ako at muli akong mabubuhay sa ikatlong araw.

Read full chapter